PROUD TO BE PINOY KA BA? HINDI DAPAT, DAHIL...


(hide description)

This is a tagalog version.

Mahilig ka bang sumigaw ng "PROUD TO BE PINOY" sa tuwing nanalo si Manny Pacquiao o sa tuwing kumakanta si Charice Pempengco sa harapan ng milyon-milyong amerikano? Pwes mag-isip isip ka naman. Dapat ang isinisigaw mo ay "Philippines is proud of Manny" o kaya naman ay "We are proud of Charice". HUWAG na huwag mong ipamumudmod sa internet na Proud to be Pinoy ka dahil kay Manny o Charice. Hindi sila reflection kung ano ang mga Pinoy, sila ay reflection ng totoong Filipino na nagsusumikap. Lahat ng natamo nila, pinaghirapan nila. At wala tayong kinalaman sa tagumpay nila, NAKIKISAKAY LANG KAYO!
Ang kapal naman ng mukha natin na akala mo kung sinong mag-malaki. Anung ipinagmamalaki nyo? Yung 3,000,000 na kabataang nagugutom? Yung 11,000,000 Filipinos na walang trabaho? Yung Maynila na tambak ng basura na pwedeng gamiting oh so delicious pagpag? Yung mga pulitiko ng Filipinas na UBOD ng YAMAN?! Yung mga driver at pedestrian na walang respeto at ignorante sa batas kaya araw-araw may nadidisgrasya?
Ano bang dapat maipagmalaki? Ang pagiging pabaya natin? Hinahayaan lang nating ma-uto tayo ng Mayayamang pulitiko at yung MASS MEDIA na kontrolado at pagmamay-ari nila!
Chaka na kayo maging proud! Kapag wala nang gutom sa bansa. Kapag lahat may trabaho. Kapag lahat ng pulitiko HINDI MAYAYAMAN. Kapag asensado na tayo kagaya ng Singapore o Japan! Pero ngayon, mahiya kayo sa balat nyo. Labanan ang Oligarchs, isulong ang constitutional reform, gawing FEDERAL-PARLIAMENTARY ang Filipinas para patas ang laban natin sa Oligarchs. Pag hindi natin nagawa ito, panibaong 25 years of suffering nanaman, at walang sawang selbrasyon ng PEOPLE POWER na 2% lang ng Philippine population ang umattend.

(show description)


Watch More Video